Surprise Me!

Ika-5 Pangkat : "Sa Paghihintay ng Kamatayan" ni Abigail Cruz Oliva

2012-10-21 1 0 Vimeo

"Sa Paghihintay ng Kamatayan" ni Abigail Cruz Oliva Nakaratay ang aking katauhan sa katreng tigib ng kalumbayan naghihintay sa Anghel ng Kamatayan na siyang magwawakas nitong kalalagayan. Unti-unting nanghihina ang pisikal na katawan habang nawawalan ng pananalig sa diyos nilang tinatawag, Hesus na Tagapagligtas! Ako'y nakalugmok binawian ng dangal sakit na dumapo sa aki'y nakadidiri walang lunas kundi kamatayan. Batik sa aking katauhan isang itim na tuldok sa puting kalooban siya ninyong nakikita mga mapaghanap ng kasiraan! Anghel ng Kamatayan halina't iyong ipikit ang aking mga mata patigilin ang tibok ng aking puso bawiin ang aking buhay. Lipunang mapanlibak na tumutugis sa akin kayo'y mananahimik na nalalapit na ang katapusan ng aking pagdurusa. Baka doon sa sinasabi ninyong kabilang buhay ako'y kilalanin ng Diyos na siyang makapagbibigay ng dangal sa aking pagkatao Filip11 De La Salle College of Saint Benilde Sa patnubay ni Ser Ron Salva Ika-5 Pangkat: -Jeffrey Mariano -Maco Guison -Kate Chipongian -Cai Jia Ying -Cath Yambao -Tobi Vasquez -Jireh Banzon